PAALAM part 1

Isang malaking problema ang aking kinakaharap..isang problema na maaring magdulot ng matinding sakit at isang mahirap na pamamaalam. Buong buhay ko, lagi ko na lang syang kasama. Kasama sa tawanan, sa iyakan, sa takbuhan at mga lakaran, kausap kapag walang magawa at kadate sa tuwing valentines day..

Ngunit sa di maipaliwanag at napakasakit na katotohanan, malapit na kaming maghiwalay..malapit ng matapos ang matagal naming pinagsamahan. ang aming tawanan, simpleng biruan, at malupit na higikhikan. nagsimula ito ilang linggo na ang nakakaraan.

Sa hindi maiiwasang dahilan, ako ay nagising ng bandang 1:00 ng madaling araw sapagkat ako ay nakaramdam ng tawag ng kalikasan. Dahil likas na matatakutin, ako ay patakbong bumaba upang pumunta sa aming CR na nasa baba ng bahay. Sa aking pagmamadaling maka-akyat, natabig ng aking paa ang pinto ng CR. Sumigid ang napakasakit na pakiramdam at pakiramdam ko ako ay napalarisa. Hindi ko maigalaw ang aking mga paa. Ako ay napaluhod, napaiyak at nagmukhang kakabreak lang habang nagwawall cry.

Biglang may kumalampag. Natapos ang wall cry. Ako’y tumakbo pataas sa kwarto.

Kinaumagahan, nagmistulang isang panaginip na lamang ang alamat ng pagwawall cry ko noong gabi. Nanumbalik ako sa pagiging masayahin at aktibo sa buhay. Linggo noon kaya’t araw ng pagpapalinis ng paa kay …itago natin sya sa pangalang “ate mani”. Nililinis nya ang aking kuko ng makaramdam ako ng hapdi. Isa itong hapdi na nagdulot ng sakit kaya’t ako’y napapikit. Pagmulat ko ng aking mata,. tumambad sa akin ang katotohanan.

BASAG ANG AKING KUKO.

to be continued…

This entry was posted in Uncategorized. Bookmark the permalink.

2 Responses to PAALAM part 1

Mag-iwan ng Tugon

Please log in using one of these methods to post your comment:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Palitan )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Palitan )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Palitan )

Connecting to %s