Marami sa atin ang dumadating sa punto na nakakaramdam ng katamaran sa buhay. Maaaring ito ay epekto ng katndaan, o dahil wala lamang talagang bagong nangyayari sa iyong buhay. Marami ang walang social life dahil busy sa pag-aaral, sa pagpapakain ng anak, paghahanap ng trabaho, pagpupuyat sa FB at ibang mga sites, pagwawalis ng lansangan, paggawa ng bagoong, pagpriprito ng itlog, pag-aagwador, paglalaro ng basketbol, pagnanakaw, pagpatay, pangingidnap, pagtsismis, pagkaasup sa mga langgam, pangungulam at iba’t iba pang weirdong bagay. Kapag inatake ka ng sakit na boredom, ultimong mga nagkalat na langgam, nananahimik na surot, naglalarong higad at tumutukang manok ay nagkakaroon ng kakaibang silbi sa iyong buhay. Nededevelop din ang pagmamahal sa iba’t ibang di nakikitang mga bagay tulad ng multo, manika, impakto, undi, tigidig at tabo. Hindi man sila gumagalaw o nagsasalita, sila naman ang mga itinuturing na bihasa sa boredom issue.

Sa kahabaan ng intro ko, malamang sa malamang bored ka na, o sya e to ang maaring gawin pag bored ang isang tao. Try mu, mag eenjoy ka.

NO APPROVED THERAPEUTIC CLAIMS:

- umindak sa saliw ng musikang “I Believe I Can Fly”~ mabisa itong pantanggal ng boredom lalo na kung isasayaw sa rooftop. Ung tipong lilipad ka talaga kapag dumating ang chorus. Do it. Surely you won’t feel bored anymore. You’ll gonna die. BWAHAHAHA

-magpapak ng MILO habang naka-upo sa kubeta- sabi nila ang tsokolate daw ay nakaka-’anu”. So para di ka na mahirapan, naaliw ka pa sa buhay mo, do as i’ve said :) )

-sumali sa mga nag tetentwenty at magpaiyak ng pinakamaliit na kalaro- in fairness enjoy to. haha. tapos mamaya maya dadating ung nanay nung bata. kaklase mo pala nung grade two. o dba? reunion pa kau! haha

-magbilang ng kuto ng kapitbahay- pag bakasyon nauuso daw ang kuto sa mga bata dahil nagbibilad sila sa araw. Aun. Try mung bilangin tapos pakain mu sa pusa mo. U can try frying o ilaga mu ung kuto matutuwa ung pet mo.

-mangholdup at mamigay ng pera sa mga politiko- para exciting. parang wala lang. haha

-bilhin ang mga sumusunod: (3) itlog, (1kl) manok, (4pcs) luyang dilaw, (10pcs) daing, (2) bagoong alamang, (1) bote ng ketchup ung heinz, (3) lata ng pineapple crushed, (1lt) mantika ung zero cholesterol, (2) box ng honeystars, (1) bote ng novellino at (5kl) baka. Pagkatapos bilhin itapon sa ilog pasig at sunugin ang sariling bahay. Ayan. An saya.

-maglaro ng jackstone habang ngumunguya ng raw meat- in fainess…YUCK TOH! hahahahahahaha

-magtanggal ng ingrone- pag naubos na ung sau, kalkalin ang sa nanay mo.

-fry- magprito ng lahat ng laman ng ref. tapos upakain sa kapatid mo. matutuwa sya sau pramis!

Ung iba later na..wahahahahahahahaha

Ganito and pagsisimula ng kwento. Kahapon, mga ganap na alas-tres ng hapon, ako ay nakaharap sa aking computer kagaya ng madalas kong ginagawa upang manood ng anime at libangin ang aking sarili. Walang anu-ano’y, bigla na lamang akong nahirapang huminga at hindi ko na alm ang gagawin ko sa sarili ko. Nhirapan talaga ako sa paghinga to the point na nagdidilim na ang aking paningin at nanginginig na ang aking katawan. Worried na talaga ako at nagyaya ako sa aking ama na maglalakad lakad sa pag-asang mawala ang nadarama kong iyon. Sa aming paglalakad ay medyo nahimasmasan naman ako ng konti at medyo umokey na ang pakiramdam ko.

Pero hindi pa doon natapos ang kalbaryo ko. Kanina lamang ay muli ko nanamang naramdaman ang kakaibang pakiramdam na iyon na para kang malalagutan ng hininga. ako ay nanginginig na sa takot at kung anu-anong bagay na ang pumapasok sa aking malikot na imahinasyon. Pinipilit kong kalmahin ang aking sarili kagaya ng payo ng aking ina ngunit lubhang mahirap ang gawin ang bagay na iyon.  Isinugod na namin ng aking ina ang sarili ko sa ospital.

Kinakabahan ako habang naghihintay na matawag ang pangalan ko ng doctor. Nanginginig pa rin ako at nahihirapang huminga. Nang matawag ako ng doctor ay nalaman ko ang sanhi ng lahat ng kababalaghang nagyayari sa akin. Ako ay mayrron “HeartBurn”

Ano ang HEARTBURN?

Ayon sa wikipedia.org, ang heartburn daw ay: Heartburn or pyrosis is a painful and burning sensation in the esophagus, just below the breastbone usually associated with regurgitation of gastric acid.[1] The pain often rises in the chest and may radiate to the neck, throat, or angle of the jaw. Heartburn is also identified as one of the causes of chronic cough, and may even mimic asthma. Despite its name, heartburn actually has nothing to do with the heart. It is so called because of a burning sensation of the breastbone where the heart is located although some heart problems do have a similar sensation to heartburn. Compounding the confusion is the fact that hydrochloric acid from the stomach comes back up the esophagus because of a problem with the cardiac sphincter, a valve which misleadingly contains the word “cardiac,” referring to the cardia as part of the stomach and not, as might be thought, to the heart.

So ayun, hindi naman pala ako dapat mangamba dahil wala daw itong konalaman sa puso.

Pero kapalit nito napakaraming pagkain ang dapat kong iwasan:

-coffee (paborito ko panaman yun!)

-milk o milk products (kainis sayang yung fresh milk)

-citrus fruits o juices (panu ung fit and right? nagdidiet ako!)

-spicy foods  (favorite ko rin to!)

-alcoholic drinks (ay negative talaga to…good girl ako)

-smoking (ay negative din ako!)

Ayun, extra payo ni doc….

Give 2-3hrs before lying down after eating

Avoid midnight snacks

Small frequent feeding

HAAAAAAAAAAYYYYYYYYYYYYY

Ps: Wag kayong kakabahan…nag 130/90 ang blood pressure ko! hahahahahahahahahahahahaha

so ayun lang…under medication pa ko..haaaaizzzzzzzzzzt…

:)

kala ko nakagat lang aq ni edward cullen eh…haaaaaaayyyyyyy

:)

Nakakapagtaka ang mga bagong labas na issue tungkol sa isinagawang “BONFIRE Celebration” ng isang kilalang unibersidad sa katipunan. Hanga naman ako sa ipinamalas nilang galing sa larangan ng basketball. Ngunit ang naging hakbang daw di umano ng isa nilang alumni ay lubhang nakaka-disappoint. Di umano, sa naturang bonfire, nakasulat daw ang pangalan ng mga senior players ng kalaban nilang eskwelahan. Tsk…tsk…tsk…

Bakit kailangan pang gawin iyon? I mean, kahit nasa high spirit of celebration kayo, di dapat pinapapakita ang ganung klaseng pag-uugali. And to think na nadadamay ung ibang A**n***a dahil dun. Ang kamailan ng isa, nasisisi ang lahat. Ganun ba talaga ang komunidad nila? ang taas ng tingin ko sa naturang paaralan at ng malaman ko ito, lubha akong nadisappoint to the point na tinanong ko sa sarili ko if kung ito ba ang values na gusto kong matutunan sa loob ng school. I pity the a***e*s. Down na nga sila, lalo pa silang nado-down.

Ad Majorem Dei Gloriam

Akala ko ba, everything they do, they do for the greater glory of God? But this act? I don’t think so. Will people glorify God the more when they see the pics?

Lesson:

-Sa organizers, siguraduhing you have the control of everything. It’s not an enough excuse na nabigla na lang kayo may nakasulat ng ganun.

-Sa mga estudyante, be fair. Wag papadala sa mood ng celebration because regret comes only at the end.

-To all: always remember, in everything you do. Do it for the greater glory of GOD. (Ad Majorem Dei Gloriam)

Isang malupit at kahindik hindik na balita ang sumalubong sa akin nang umagang iyon ng martes. Ayon sa aking mga kamag-aral sa isang unibersidad na nasa likod ng riles ng tren sa kahabaan ng teresa, nagkaroon daw ng isang malupit na pagpapakita ng “bare skin* doon. Marami daw kalalakihan (mga 8 ata sila) na galing sa iba’t ibang mga franternity ang lumahok sa taunang “Pylon Run”. Ito ay taunang pagtakbo ng mga hindi nakikilalang kalalakihan (dahil sa yellow plastic or dumpped cloth na nakabalot sa kanilang ulo: to preserve their integrity and privacy) palibot sa naturang paaralan habang sumisigaw ng weird chants (di daw kasi maintindihan, baka nagrarally din sila). Maraming mga estudyante ang umiiwas sa mga ito dahil bata pa sila at pangalawa, alang rose na binibigay hehehe… Anyways, bago daw magstart ang annual run na ito meron pa daw nag ka-count down! Astig di ba, pinapaalalahanan ang mga estudyante na umuwi na bago pa lumabas ang mga lalaki dahil nangangalabit daw ang mga ito. Sayang nga lamang at sa hapon lang ginaganap ang run na ito kaya’t hindi ko inaabutan. Wala tuloy pic akong maa-upload. Sana mag pylon run sila ng umaga, ung tipong 10:01 am. Ung nakakaskin cancer ung araw, tapos wag lang sa school, hanggang U-belt dapat, tapos may flowers din. Ayun, naisip ko lang. Hahaha…

ang pylon run ay katulad din ng oblation run. un lang po iyon.

Minsan talaga, dumadaan sa buhay ng tao ang isang sitwasyon kungsaan kahit anung gawin nating pag-intindi sa isang bagay ay wala pa ring nangyayari. Nakakinis mang sabihin, pero may mga tao talaga na mahirap kausap. Kahit anung paliwanag ang gawin mo, wa epek pa rin. Nababad trip talaga ako nagayon at nahihirapang gumawa ng **** na research paper. naku! grrrrr…..

Naisipan kong i-post ang imno ng aming sintang paaraalan…Napag-tripan kong hanapin ang lyrics sa wiki. Nabigla ako dahil meron talagang entry dun regarding our hymn…bonnga! Mga PUPian! Nasa wiki tayo! Ang pambansang source ng lahat ng assignments! Pwera kay Prof. Guinto! Ayaw nya ng wiki

IMNO NG PUP

I.
Sintang Paaralan
Tanglaw ka ng bayan
Pandayan ng isip ng kabataan
Kami ay dumating nang salat sa yaman
Hanap na dunong ay iyong alay
II.
Ang layunin mong makatao
Dinarangal ang Pilipino
Ang iyong aral, diwa, adhikang taglay
PUP, aming gabay
Paaralang dakila
PUP, pinagpala
III.
Gagamitin ang karunungan
Mula sa iyo, para sa bayan
Ang iyong aral, diwa, adhikang taglay
PUP, aming gabay
Paaralang dakila
PUP, pinagpala

kung gusto mong pag-aralan, ito ang link sa karaoke version nya sa youtube: http://www.youtube.com/watch?v=q1CoAZsNEMQ

Pero hindi pa jan natatapos ang pagkasorpresa ko! Sosyal! May-inglish version ang PUP hymn! hahahaha…

PUP HYMN

I.
Beloved School
You are the light of this nation
Forger of minds of the youth
We came not having much wealth
Searching for wisdom which you offer
II.
Your objectives are benevolent
Honoring the Filipino
The lessons, essence, aspirations you possess
PUP, our guide
A great school
PUP, you are blessed
III.
We will use the knowledge (we learned)
From you, for the country
The lessons, essence, aspirations you possess
PUP, our guide
A great school
PUP, you are blessed

alang english karaoke sa utube! sayang

o ayan…sige sabayan mu muna ang karaoke…hahahaha

:)

Nauna ko ng binanggit sa isang entry ko na mahigpit na ipinagbabawal sa aming sintang paaralan ang pagtitinda na anumang COKE products sa kadahilanang nabili ng Pepsi ang exclusive rights ng aming paaralan. Sila lamang ang may karapatang magbenta ng kanilang produkto sa PUP campus. Actually, naging sanhi na rin ito ng rally dahil as usual lahat naman ng klase ng issue ni-rarally ng mga aktibista…andthat is for one sole purpose, TO EXERCISE ACADEMIC FREEDOM…(alang konek diba?)

Anyways, bilang paghihiganti, nagsagawa ng malupit na marketing plan ang coke. Pagtungtong mo sa labas ng PUP, mapapansin mo na ang lahat ng tindahan ay namumutakti sa Coke collectibles and coke advertisements. In short, binili naman ng coke ang kahabaan ng teresa.

so aun…di pa rin tapos ang war of the worlds ng dalawang kompanya

basta ako ala akong pakialam…

di ako umiinom ng pepsi o coke

mahal un…

RC lang ang kaya ng budget ko

hahaha

Sa Paaralang Aking Pinapasukan

Noong first year, biter-biteran pa rin ang drama ko sa paaralang aking pinapasukan. Ayoko talaga sa “pomosong paaralan” daw na iyon na matatagpuan sa kahabaan ng teresa sa likod ng isang nabubulok ng riles ng tren na mayroong byaheng Laguna-Sampalok, Manila ata. Bali-balita nga kasi na ang naturang paaralan daw ay lugar na pinag-hahayberneytan ng mga kilalang aktibista sa bansa at lagi-lagi daw may rally doon. Dahil sa ako ay lumaki sa isang lugar na tahimik at walang bahid ng kaguluhan, ako ay lubhang nag-aalangan sa aking papasukan. Noong una akong makatapak sa PUP, una kong napansin ang dome na siyang dinadaanan ng mga estidyante. Hindi ko trip ang design ng dome na ito. Nagmukha kasing warehouse ang aming paaralan sapagkat dito idinadaan ang mga mabibigat na kargamento tulad ng kahong-kaong box ng iba’t ibang variants ng C2 na itinitinda sa UC (university canteen sa 4th floor), box-box na papel na ini-istore sa iba’t ibang dean’s office located at the dome itself (imaginine nyo na lang ung itsura, difficult i-explain), package ng mineral water, exclusive PEPSI products (NOTE: mahigpit na ipinagbabawal sa naturang paaralan ang pagtitinda ng coke products…for more info pls cheack my other entry), at iba’t ibang chips na nakakasira sa bato ng mga estudyante. Minsan din, makikita mo na dito din dumadaan ang mga handicappped students ng PUP. Yung mga naka-wheel chair. Mahirap kasing maghagdan diba?!

Sa Mga Propesor

*piniling burahin ng may-akda, mahirap ng makasuhan ng libel, ala siyang pang-areglo*

Bakit Blue ang Kulay ng Tabo Namin?

ayun, napag-isip isip ko lang kanina habang ako ay naliligo…hmmmmn, bakit nga kaya? Blue ba ang pavorit color ng aking ma’ma (may stress sa unang ma)? O dahil sa ito na lamang ang stock nang maisipang bumili na bagong tabo ng aking ina? Bakit nga kaya?…Isa itong malaking palaisipan, naku! mahihirapan nanaman akong matulog…tsk3x

F4 (Si na Wachilei, Daumingsoo, Shimen, Meizuo aka Sweet Lapus)

Nagbuklat ako kanina ng mga memorabilias ko tapos nakita ko yung mini magazine ng F4. Naalala ko kung saan ko nakuha iyon. dati kasi ay may tindahan pa ang aking ina, nagbebenta siya ng mga F4 collectibles. naisipan kong iuwi ang last copy ng F4 magazine na ito dahil lubhang pinagkakaguluhan na ito ng mga fanatics na mula sa Arellano University. Matagal na pala sa akin ang naturang magazine. Maibenta kaya? Maybibili pa kaya?

F4 Magazine for sale. With center fold poster of the F4 boy band. Limited copy. For more info visit PUP Main Building W410, 414 or 416. Look for cherry (mejo sikat sa doon, marami siyang pinagkakautangan)

Komento sa mga English Songs na Tinatagalog

Ako ay nakasakay sa jeep na may byaheng Pasig-Quiapo ng bigla na lamang pumailang lang ang intro ng awiting Samack That. Humanda na akong umindak at sumabay sa mga liriko nito ngunit ako ay lubhang nagilalas ng marinig ang mga liriko. “Sumama ka sa’kin at kakain tayo…churva churva…tayo ng mag-snack sa Olongapo, snack sa Antipolo, snack sa, dito sa Tondoooh, snack sa churva oohhooh” At hindi pa doon natapos ang mga kagilagilas na tugtuging maririnig mo sa mga jeep na may byaheng Pasig-Quiapo. pati Umbrella, Bleeding in Love, Clumsy at Get Low may Tagalog version na rin! Hala naman! Kung gusto mong marinig ang mga naturang awitin, sumakay ka rin sa ruta ng sinasakyan kong jeep. Meron silang compilation album nyan. Hingi ka ng cpy para pwede mong lagay sa disk man. Ayun lang…:)

I am really planning to create a blog even before, but sad to say, i do not have the time and means of creating one. Half a year ago, I joined an anime’ friendster site and there I started writing blogs. I got good comments and feed backs so I decided right there and then that I really have to have an account here in blogspot. After quite sometime of exploring, I had realized that majority of my friends are already in to it (I don’t want to be left behind!). I immediately started making an account, though, I am not that familiar with the ins and outs of this site. Anyways, I’ve been constantly reminding myself that this account would be my everyday journal and that people who knows who I am, please don’t speak a word. Let me still hide my personality and all that. Now, if ever you have read your name or rather recognize your personality inscribed in this blog, just comment me and I’ll edit it right away…

————————————————————————————————-

August 21, 2008

I am so tired today! We did have a midterm exam in management and I reviewed the different principles there! Uh! Uh!…Plus, I forgot to review on Ecology…tsk…tsk…good to say that I still got a good grade for that. Anyways, speaking of Ecology, I was really amazed by the instructions written in our test paper. It was really my first time to read those that were written there (thoughts: Uhm…sorry, I will not write it here…let’s respect the privacy of our…uhm…test paper?). I was actually reading it the whole time of the exam and I really can’t help but smile coz’ of it. Uh! Finally, my exhausting day was done. But i still have so many things to do, I still have to draw! Speaking of drawing, I am kindda frustrated about my AD Arts subject! No matter how hard I try to draw, nothing is changing! I am giving my very, fullest efforts on it but still it’s not enough! I’m tired of things but I really promised myself I will finish this torment up to the end no matter how hard, at least I tried! The reason why I took up advertising is because I really wanted to learn how to draw. I took things as a challenge and I won’t hold back! (katipunera pala! hehe)

My head up to now is preoccupied by a lot of things. I’ve been thinking about my school works, about my classroom responsibilities and my org activities. Sometimes, I really wanted to break free from all the stress. But I know I won’t learn unless I’ve been exposed to this kind of training.  But seriously speaking, I’ve been aiming high this time for myself and for my family. I want them to be really proud of me.
—————-

tama na ang kacoñohan…

if u want more just visit

www.hayku011.blogspot.com

aun…cño version ko yan!

Sino ako?

Kadalasan, sinisimulan ng mga bloggers ang kanilang blog sa pamamagitan ng pagpapakilala sa kanilang mga sarili. At sa kadahilanang gusto kong maki-in, akin ding sisimulan ang aking blog sa pamamagitan ng pag papakilala sa aking sarili.

Ako si Cherry Elaine *Tut*. Isang mabuting anak at mabait na kaibigan (wikipedia.org). Masayahin, palabiro at may mataas na pangarap sa buhay. Pangarap na siguradong ako lamang ang nakaisip…ANG MAIAHON SA KAHIRAPAN ANG AKING PAMILYA. Kaya’t kahit mahirap ay tinitiis kong lakarin ang kahabaan ng teresa paakyat sa madilim na dome ng PUP at pag-moon walk sa napakadulas at napakakintab na flooring na siyang minaster ng pakintabin ng mga janitors (UNITREND) para marahil sa mga aktibista na ginagawang hobby ang pag-babandwagon dito tuwing may rally. Kahit mahirap ay kinakaya kong langhapin ang lahat ng usok sa may abangan ng jeep sa Altura, minsanang paglakad hanggang sa tulay ng Nagtahan (simula teresa ha!) para lamang makakuha ng masasakyan.

to be continued…